Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson swak sa mga taga-Mindanao

0 174

Patok ang mga programang pangkaunlaran ni presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson para sa mga lalawigan tulad sa Mindanao kung maipatutupad ang kanyang plataporma na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE).

Ipinaliwanag ito ni Lacson sa kanilang pagbisita sa M’lang, Cotabato kung saan ay nagkaroon din siya ng pagkakataong na magkaroon ng dayalogo sa iba’t ibang sektor.

“Kayang-kayang bigyan `yong North Cotabato bilang isang lalawigan (ng) P1 billion a year on top of IRA (Internal Revenue Allotment) para sa kanilang development at saka livelihood. That’s only P81 billion. ‘Yong M’lang municipality… Ilan ang ating municipalities? 1,488. Kung bigyan natin ng tig-P100 milyon lamang kada taon para sa kanilang development, para sa livelihood, P148 billion,” ani Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama ni Lacson si senatorial candidate at dating Mindanao Development Authority (MinDA) chairman Emmanuel ‘Manny’ Piñol na inihayag ang matagal nang M’lang Airport project na hindi umano ganap na napapakinabangan dahil sa mabagal na pagbibigay ng pondo.

Malaki ang kumpiyansa ni Piñol na sa pamumuno ni Lacson ay magkakaroon na ng katuparan ang matagal na niyang plano para magkaroon ng mas maayos na transportasyon sa rehiyon upang maihatid sa ibang lalawigan ang kanilang mga agrikultural na produkto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.