Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson tinukuran turismo sa kabataan

0 200

Hinimok ni Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang publiko na maging turista sa sariling bayan at bisitahin ang magagandang dito sa atin bago gumala sa ibang bansa.

Para kay Lacson, magandang pagkakataon na ngayong marami nang negosyo ang bumalik at maraming Pilipino ang bakunado na rin laban sa COVID.

Inihayag ito ng senador matapos ang dalawang araw na pagbisita sa Baguio City kasama ang kanyang running mate na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lacson, malaki ang maitutulong ng mga Pinoy para lumakas ang turismo at ekonomiya ng bansa, lalo na ang mga kabataan o millennial na nag-iisip pa lamang ng kanilang `travel goals’.

“I would recommend na pumunta sila. ‘Yon, napakagandang lugar. Noon lang ako nakapunta sa tinagal-tagal ko sa Baguio, e noon lang ako napunta sa lugar na natural, ano, at dapat nga i-develop ‘yon at i-propagate as a tourism hotspot in Baguio,” sabi ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.