Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson: Tunog blackmail sa VFA

0 98

Hindi dapat magtunog blackmail ang panghingi ng tulong ng Pilipinas sa Amerika para sa COVID-19 bakuna, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag hindi nabigyan ng 20 milyong bakuna ang Pilipinas.

“It is at the very least, unfortunate. I think there could be a more diplomatic or at least a better way of asking a longtime ally to help us avail of the vaccines of our people without sounding like we are blackmailing our way into it,” sabi ni Lacson.

Matatandaan na dati nang inihayag ng Pangulo na ibabasura ang VFA subalit sinuspidne rin ng gobyerno ang pagpapatupad nito. Ito’y matapos kanselahin ng Amerika ang visa ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa, na kilalang kaalyado ng Pangulo. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.