Abante Tonite Interactive

Lacson underpass bubuksan 24-oras ni Isko

528

Tapos na ang paghihirap ng mga senior citizen na kailangan pang umakyat ng footbridge at maglakad nang malayo para makarating sa simbahan ng Ma­nor Basilica, matapos ihayag ni Mayor-elect Isko Moreno na muli niyang bubuksan sa publiko ng 24-oras ang Lacson Victory underpass na ipinagawa at ipinasara sa 2 termino ni outgoing Mayor Joseph Estrada.

“Mga bisita lang sila sa Maynila,90% of them bisita lang susunod sila o tatanggalin natin sila dito,” ayon kay Moreno.

“Bubuksan natin ang Lacson underpass 24-hours a day, 7 days a week,” ayon kay Moreno.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa courtesy visit kamakalawa sa tanggapan ni Estrada.

Sinabi ni Moreno na ibabalik niya sa mamamayan ng Maynila ang Lacson underpass.

Matatandaan na may 10-buwang isinailalim sa renovation ang underpass noong 2014 sa ilalim ng termino ni Estrada. (Juliet de Loza-Cudia)