Abante Tonite Interactive

Lacuna, Picson sa PSA Forum

0 184

Tampok ang Association of Boxing­ Alliances in the Philippines (ABAP) at ang isa sa limang bagong halal na kasapi ng Philippine Olympic Committee (POC) athletes commission sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum mamaya sa Amelie Hotel Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Magsasalita si ABAP Secretary General Edgar Genaro ‘Ed’ Picson para sa kampanya ng national boxing team sa iba’t ibang qualifying event para sa 2020 Tokyo Olympics sa 10:00 am public sports program na mga prsintado ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kakatawin naman ni Olympian swimmer Jessie Khing Lacuna ang POC Athletes Commission sa weekly session tapos maluklok sa puwesto kasama sina triathlete Nikko Bryan Huelgas, Cheska Altomonte, Jake Letts at Samuel Morrison.

Ang PSA Forum ay may livestream sa fb.com/Phili­ppineSportswriters Association, at ineere nang delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 ng 1:00-2:00 pm at 6:30 pm. (Aivan Denzel ­Episcope)