Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacuna unang bebot na mayor sa Maynila

0 47

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang babae ang uupong alkalde sa lungsod ng Maynila sa katauhan ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Si Lacuna ang bise alkalde ni Mayor Isko Moreno. Tumakbo si Moreno sa presidential election habang kumandidato naman si Lacuna bilang alkalde.

Batay sa partial and unofficial results mula sa Comelec Transparency Media Service dakong alas-8:02 ng gabi nitong Martes, Mayo 10, nasa 519,856 na ang boto para kay Lacuna habang ang pumapangalawa sa kanya na si Alex Lopez ay 161,826 at ang pangatlo na si Amado Bagatsing ay mayroon pa lamang 112,264 boto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang naturang bilang ng mga boto para sa mayoral race sa Maynila ay kumakatawan sa 96.50% ng elections returns.

Malaki rin ang nakuhang boto ng ka-tandem ni Lacuna na si Yul Servo Nieto na umabot na sa 566,896 ang boto kumpara sa kanyang kalaban sa vice mayoral election na si Raymond Bagatsing na nasa 177,363 ang boto.

Isang doktor si Lacuna at unang babae rin na naging bise alkalde sa Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.