Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady angkas pisak sa dump truck

0 71

Patay ang backrider na babaeng anak habang nakaligtas ang ama niyang driver ng motorsiklo nang araruhin ng 12-wheeler dump truck sa Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ang biktimang namatay noon din ay si Yvette Espina Dizon, 28, mall staff habang sugatan ang ama niyang si Rouen Velasco Dizon, 53, businessman, kapwa taga-Kamias Road, QC.

Ang suspek naman ay si Fernando Diego Mercado Jr., driver ng Sinotruck Howo Dump Truck, ng Apalit Pampanga.

Sa report ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District, alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa kanto ng Edsa at East Ave., Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCMS Norlan Margallo, pauwi na umano ang mag-ama sakay ng Yamaha Mio 125 Motorcyle matapos sunduin ang anak na babae sa trabaho.

Habang bumabaybay sa Edsa northbound patungong East Avenue ay biglang sinalpok ng nag-cut na dump truck [MAD 851] na patungong NIA Road ang motorsiklo ng mag-ama.

Sa lakas ng impact ay tumilamsik ang nakaangkas na anak sa ilalim ng dump truck at nagulungan pa sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Nabatid na nagtangka pang tumakas ang driver ng truck pero nahabol siya ng ilang rider.

Nagalit pa umano ang suspek at isinisi pa sa mag-ama ang aksidente.(Dolly B. Cabreza/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.