Abante Tonite Interactive

Lady boss allergic sa mga kontra-pelo

366

Dahil ayaw makulitan, ilang buwan na umanong hindi nagpapatawag ng board meeting itong pinuno ng isang ahensiya dahil ayaw nitong may kumokontra sa kanya.

Dahil dito, hayahay ang kanyang mga directors at paeasy-easy lang dahil ayaw silang makita ng kanilang boss sa dapat sana ay regular board meeting ng mga ito.

Ayon sa isang opisyal na may katabilan at matulis ang dila, nag-iiba umano ang hilatsa ng mukha ng kanilang lady boss sa mga nakalipas na board meeting kapag may nagtatanong o kumokontra sa mga plano nito para sa kanilang ahensiya.

Normal lamang naman umano na mayroong diskusyon sa board meeting pero tila napipikon yata si Chairperson kapag marami ang sumasabat at nagbibi­gay ng kanilang mga ideya.

Ang opisyal na ito ay anak ng hindi naman kasikatang politiko dahil mas kilala ang magulang nito sa alta sosyedad noong nakalipas na mga administrasyon.

Clue: Binansagan itong Jack or Jill ng mga pilyong miron, parang title lang ng pelikula noon. (Ailleen Taliping)