Abante Tonite Interactive

Lady Bulldogs martsa sa finals

By
7

Humada si Jaja Santiago ng 28 points, tampok ang 27 attacks at at 7 blocks upang pangunahan ang pagsakmal ng National U Lady Bulldogs sa Arellano U Lady Chiefs sa five-set marathon, 25-17, 26-28, 17-25, 25-13, 20-18 kagabi sa FilOil Flying V Centre.

Kasama ang 3-set win sa opener ng Premier Volleyball League Collegiate Conference best-of-3 semis noong Miyerkules, martsa ang NU sa Finals at waiting na lang sa kakalabanin.

Hihintayin ng Lady Bulldogs ang mananalo sa Far Eastern U Lady Tamaraws at Adamson U Lady Falcons sa Miyerkules ng susunod na linggo.

Sinangkalan naman ng FEU ang back-to-back miscues ng AdU sa stretch upang kontrolin ang aksyon saka tinapos ng bangis ni Toni Rose Basas at masuwag ang pahirapan ding 21-25, 27-25, 25-20, 23-25, 15-11 victory na pumuwersa sa sudden death ng dalawa sa isa pang final berth ng liga.

Sa Lunes ang do-or-die match ng Lady Tams at Lady Falcons.