Abante Tonite Interactive

Lady Bulldogs sinuwag ng Lady Tams

By
8

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
8:00 a.m. — UE vs. DLSU (m)
10:00 a.m. — Ateneo vs. UP (m)
2:00 p.m. — UE vs. DLSU (w)
4:00 p.m. — Ateneo vs. UP (w)

uaap-nu-feu
Pinalusot ni Toni Basas (16) ng FEU ang isa sa kanyang atake laban kay Jorelle Singh (14) ng NU. Umiskor si Basas ng 20 at pinaamo ng Lady Tamaraws ang Lady Bulldogs 25-20, 25-13, 22-25, 25-20 sa UAAP volleyball. (Patrick Adalin)

Lumabas ang hinahanap na laro ni FEU coach Shaq delos Santos mula sa kamador niyang si Toni Basas, giniyahan ang Lady Tamaraws sa 25-20, 25-13, 22-25, 25-20 pagpapaamo sa National U Lady Bulldogs sa UAAP Season 79 women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan.

Umiskor ng 20 points si Basas, binangko sa third set ng four-set win ng Lady Tams kontra UE noong nakaraan.

“Happy ako kasi nag-perform ang players namin, si Basas na hinahanap ko lumabas,” wika ni ­Delos Santos.

Umayuda ng 18 markers si Bernadeth Pons, may 10 si Jerrili Malabanan sa FEU, sa ikatlong panalo sa limang salang ay inakbayan ang biktima sa fourth.

Solido rin ang depensa ni Libero Ria Duremdes, naglista ng 31 digs at seven excellent receptions sa Lady Tams.

Tumapos pa si Pons ng 20 digs at 15 excellent receptions.

Nagsumite si Jaja Santiago ng 20 points sa NU.

Sa unang laro, minadali ng University­ of Santo Tomas ang Adamson 25-13, 25-12, 25-9 sa likod ng 15 points ni Sisi Rondina, 11 dito mula sa attacks.

Angat ang Tigresses sa 2-3, hindi pa nakakatikim ng panalo ang Lady Falcons sa anim na subok.

Nagpaulan ang UST ng 14 service aces, hindi rin pinaiskor ang Adamson sa service line.

“Ang service namin, buong-buo at no pressure kaya siguro ganoon ang intensity­ ng service namin,” suma ni Tigresses coach Kungfu Reyes.

May seven points si Tema Galanza sa Adamson.