Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady cop dyinowa ng preso, nakatakas

0 55

Pinaghahanap ngayon sa Alabama, USA ang isang parak na itinakas ang isang preso na kanya umanong nobyo.

Sa lumabas na ulat, kinilala ang lady cop na si Vicky White, assistant director of corrections sa Lauderdale County. Ang preso naman ay si Casey White. Hindi magkamag-anak ang dalawa.

Nadiskubre ng mga awtoridad na nagkaroon ng relasyon ang dalawa habang nasa loob ng bilangguan si Casey.

“We have confirmed through independent sources and other means that there was in fact a relationship between Casey White and Vicky White outside of her normal work hours — not physical contact, but a relationship of a different nature,” pahayag ng Sheriff na si Rick Singleton. “We were told Casey White got special privileges and was treated differently while in the facility than the other inmates.”

Lumabas sa imbestigasyon na itinakas si Casey nitong Biyernes habang nakaposas pa. Pinagpaalam lang umano ni Vicky na dadalhin niya ang preso sa medical care dahil hindi umano maganda ang pakiramdam nito, ngunit hindi na nakita pa ang dalawa.

Patuloy na hinahanap ang dalawa. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.