Abante Tonite Interactive

Lady desk officers sa lahat ng EPD stations

By
14

Simula ngayong araw ay makikita na sa lahat ng istasyon ng pulisya ng Eastern Police District (EPD) ang mga itinalagang lady desk officers na haharap sa mga reklamo at kasong darating sa bawat istasyon.

Ayon kay District Director, P/Supt. Romulo E. Sapitula, layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga lady officers na maipakita ang maayos na public service sa pamamagitan ng mahinay at maayos na pakikiharap sa mga mamamayan.

“Iba kasi ang pag-deliver ng kababaihan sa pananalita. Kaya nilang harapin at pakitunguhan ng maayos ang bawat sitwasyon, bukod dito ay nag-seminar pa sila upang lalong maging maayos ang pagbibigay ng public service,” ayon kay Col. Sapitula.

Matatandaang mahigit 100 policewoman mula sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan ang dumaan sa seminar upang makapagbigay ng high quality public service sa mga papasok sa bawat tanggapan ng pulisya. Sila ay maitatalaga bilang EPD Lady Desk Officers sa lahat ng police community precincts.

“Aside from how we deliver public service, we should also consider how we properly react or handle situations we could possibly face like irked clients and provoking civilians. We should be the master of our emotions; we have to control our anger and face such situation with a clear and cool head,” sabi pa ni Col. Sapitula.

Tiniyak pa nito na magiging mas maayos pa ang sitwasyon kapag babaeng pulis na ang haharap sa mga maiinit na ulo na mga nagsasampa ng reklamo sa bawat presinto.