Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady doc sinabit sa pekeng coronavirus result; DOH nagbanta

0 268

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na magresulta sa malawakang transmission ang ginagawang pamemeke ng COVID19 result ng mga naarestong indibiduwal sa Quezon City.

“Dapat maintindihan ng mga tao ‘yung pag-fake n’yan might cause the further transmission of diseases if we do that,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing.

Ang pagkakadiskubre ng paggawa ng mga pekeng result ay inireklamo ng isang doktora matapos na makita ang kanyang pangalan at lagda sa pekeng COVID-9 result.

“Itong nangyari kahapon tinitignan natin kung paano mas maeensure ‘yung rapid antibody ay hindi magkakaroon ng ganitong mga issue,” ani Vergeire.

Dapat umanong gumawa ng paraan ang mga awtoridad para mapigilan ang ganitong gawain.

Kaugnay nito, ini-inquest na kahapon sa Quezon City Prosecutor office sa kasong paglabag sa falsification of documents at City ordinance ang naarestong sina Jacel Muhad at Angelica Roa.

Maliban sa dalawang arestado, posibleng makakasuhan din ang mag-asawang may-ari ng printing shop. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.