Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady driver hinarang, nirapido

0 219

Patay ang isang babaeng tricycle driver matapos na ito at ang kanyang pasahero ay walang habas na pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Candelaria, Quezon Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Raquel Sumadsad Bunga, 50, dahil sa mga tama ng bala sa leeg. Kritikal naman ang pasahero nitong si Mark Anthony Payen, 27, na tinamaan ng bala sa ulo.

Sa report ng Candelaria police, arkilado ng lalaki ang tricycle para sa lipat-bahay nang harangin ng mga suspek at pagbabarilin sa Malabanban Sur, gamit ang kalibre .45 baril.

Kapwa nasapol ang dalawa na noon ay magkaangkas sa motor na kargado ng mga gamit sa bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen at inaalam kung sino sa dalawa na nagkasama lang bilang driver at pasahero ang talagang target ng gunman.

Ayon sa mga awtoridad parehong walang kaso ang dalawa sa kanilang barangay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.