Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady driver pinatsugi ng karibal

0 2,738

Timbog ng Laguna Police ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Jingle ‘Jang’ Lucero, ang lady driver na tinadtad ng saksak sa Calamba City.

Noong Biyernes naaresto si Shiela Montes Belarmino. Isa umano siya sa tatlong sumakay sa kotse nang gabing pinatay ang biktima. Nakilala ito batay sa kuha ng closed-circuit television at sa testimonya ng mga testigo.

Sa kuha ng CCTV, nakita na sumakay sa harap ng isang convenience store ang isang babae sa unahan ng kotse samantalang sa likuran ang dalawang lalaking kasama nito.

Hunyo 28 nang matuklasan ang bangkay ng biktima. At batay sa pagsusuri ay nagtamo ng 52 tama ng saksak at isang hiwa sa leeg at iba pang bahagi ng katawan na siyang ikinamatay nito.

Bago pinatay ang biktima galing ito sa bahay ng kanyang girlfriend na si Meyah Amatorio sa bayan ng Bay at umalis nang mayroong nagpa-book sa rent-a-car na pansamantalang trabaho nito.

Tinitingnang motibo ang love triangle sa krimen dahil partner din umano ni Amatorio si Belarmino.

Noong Lunes ay sinmpahan na ng kaso ang suspek. Tiniyak naman ang pulisya na sa lalong maaaresto na rin nila ang lima pang sangkot sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.