Abante Tonite Interactive

Lady Eagles, Lady Falcons nakauna

128

Inilista ng Ateneo at Adamson ang buena-manong panalo sa na-delay ng 30 minutes dahil sa power failure na opener ng UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Biniktima ng Lady Eagles ang host UST, 66-57, dinagit ng Lady Falcons ang UP, 66-61.

Nilista ni returning coach John Flores ang unang panalo para sa Ateneo sa likod ng pinagsamang 24 points nina Trina Guytingco at Jonette Uy De Ong. Si Flores ang nagtimon sa 2005 at 2007 championship team ng Lady Eagles.

Sa kabilang banda, nagsumite ng 12 points si Kaye Pingol at may 11 si Jamie Alcoy para sa mga taga-San Marcelino.

Nadiskaril ang debut din ni coach Haydee Ong sa Tigresses, pinangunahan ng 16 at 15 markers nina Bettina Penaflor at Shanda Anies.