Abante Tonite Interactive

Lady Gaga buntis?

By
0 143

Matunog na pinag-uusapan ngayon sa social media na buntis si Lady Gaga. Pero agad niya itong pinabulaanan.

Sey pa niya, ang tanging­ bagay na inaasahan niya ay isang bagong album at hindi baby tulad ng iniisip ng marami.
“Rumors I’m pregnant? Yeah, I’m pregnant with #LG6,” tweet niya.

Nagpahiwatig siya na kasalukuyan na niyang ginagawa ang kanyang ikaanim na studio album. Libo-libong mga tagahanga ang nagbahagi ng masayang mga meme at mga regalo sa ilalim ng post. Lahat ay nag-aabang sa kanyang bagong iaanunsiyo tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay at mga bago niyang ginagawa.

Matatandaang noon lamang isang buwan ay mariing itinanggi ni Gaga na may kakaibang namamagitan sa pagitan nila ni Bradley Cooper. Pati ang naganap na hiwalayan nila ng kanyang ex-fiance na si Christian Carino ay itinanggi niya na may kinalaman si Bradley.

Sabi pa niya: “First of all, social media, quite frankly, is the toilet of the internet and what it’s done to pop culture is abysmal. People saw love and, guess what, that’s what we wanted you to see. This is a love song. The movie, ‘A Star Is Born’, it’s a love story.

“From a performance perspective, it was so important to both of us that we were connected the entire time. When you’re singing love songs, that’s how you want people to feel. I’m an artist. I guess we did a good job. Fooled ya!”