Abante Tonite Interactive

Lady Gaga dawit sa hiwalayang Bradley Cooper-Irina Shayk

451

TINULDUKAN na nina Bradley Cooper at Irina Shayk ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Mutual decision ng 44-year-old Oscar-nominated actor at 33-year-old supermodel ang paghihiwalay. Napagkasunduan nila na mananatili silang mabuting magulang sa kanilang two-year old daughter.

Taong 2017 nang “magbunga” ang love story nina Cooper at Shayk na nagsimula noong 2015. Winakasan nila ang kanilang relasyon noong Huwebes pagkatapos ng apat na taon na magkasama. Ngayon ay inaayos nila kung paano ang magiging arrangement nila para sa kustodiya ng kanilang anak na si Lea.

“I have a lot of friends who share a lot of their personal life on Instagram or social media, very publicly. I admire it and I think it’s great – but I think it’s all about personal choice,” ani ni Irina na kakaunti ang nakakaalam tungkol sa kanilang pagmamahalan dahil ang parehong mga bituin ay kilala sa pagiging pribado pagdating sa kanilang personal na buhay.

Hindi maiwasang madawit ang pangalan ni Lady Gaga na naging super close kay Bradley habang ginagawa nila ang pelikulang ‘A Star Is Born.’ Ayon sa ilang source, Trending topic ngayon sa social media ang prediksyon na posibleng mauwi sa isang romantikong relasyon sina Lady Gaga at Bradley.(Lourdes Fabian)