Abante Tonite Interactive

Lady Gaga, Jennifer Aniston nag-aaway sa lalaki

583

Gaano kaya katotoo ang tsikang nag-aaway ngayon sina Jennifer Aniston at Lady Gaga dahil kay Bradley Cooper? Ito ang ulat na pinagpipiyesta­han ngayon sa mga tabloid sa Hollywood.

Ayon sa isang source, inakala ni Gaga na sa wakas ay magkakaroon na siya ng pagkakataong masolo at magkaroon ng intimate na relasyon sa kanyang “A Star Is Born” co-actor. Ito’y pagkatapos­ mapabalitang nakipaghiwalay si Bradley sa kanyang kasintahang modelo na si Irina Shayk.

Pero mayroon pang isang napakalaking sagabal para mapasakanya si Cooper. Ito’y walang iba kundi ang American actress/film produ at naging ex nina Brad Pitt at Justin Theroux na si Jennifer Aniston.

Isang taong malapit kina Cooper at Aniston ang nagbuking na si Bradley ay “nagbubuhos ng kanyang puso” sa nasabing aktres noong ginawa nila ang pelikulang “He’s Just Not That Into You.”

Sinabi pa ng naturang source na mayroong “real spark” sa pagitan nina Aniston at Cooper.

Si Gaga naman ay iniwasang makipag-date sa ibang lalaki matapos siyang makipaghiwalay noong Pebrero mula sa dating kasintahan na Christian Carino.
Hindi umano inakala ni Gaga na magiging malapit sa isa’t isa sina Bradley at Jen. Ayon pa sa ulat na lumabas, madalas nakikitang magkasamang lumalabas sina Cooper at Aniston at palagi silang magkausap sa telepono na ­siyempre pa ay hindi matanggap ni Gaga.

“She is devastated that Jen is suddenly her rival for Bradley’s affections – and things could get pretty ugly if Jen doesn’t back off,” ayon pa sa isang taong malapit kay Gaga.

Sa totoong buhay, walang love triangle­ sa pagitan nina Gaga-Cooper-Aniston, ayon sa tagapagsalita ni Jennifer. (Lourdes Fabian)