Abante Tonite Interactive

Lady Gaga nagluluksa sa kaibigan

496

Nagluluksa ang singer na si Lady Gaga dahil sa pagkamatay ng kaibigan niyang si Rick “Zombie Boy” Genest, 32. Ang tinaguriang Zombie Boy ay ang popular guy na kasama ni Lady Gaga sa kanyang music video na “Born This Way.” 

Kilala rin siya as “Tattoo Boy” dahil burdado ang buo niyang katawan. Famous Canadian model rin siya.
Si Genest ay nag-suicide last August 1. Ayon sa mga awtoridad sa iHeartRadio Canada natagpuan ang katawan ni Genest sa kanyang apartment sa Montreal.

Nagbigay ng emotional message si Lady Gaga through her social media account. “The suicide of friend Rick Genest, Zombie Boy is beyond devasta­ting. We have to work harder to change the culture, bring Mental Health to the forefront and erase the stigma that we can’t talk about it.”

Si Genest ay successful sa kanyang career lalo na sa mode­ling. Paborito siyang i-write up sa magazine tulad ng Vogue, GQ at Vanity Fair. Si Zombie Boy ang first male spokesperson ng L’Oreal.

Huling nakihalubilo sa celebrity event si Genest sa 2018 Canadian Arts and Fashion Awards last April.