Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady Grab driver na nakaaway ng pulis, pinalaya

0 182

Matapos ang isang linggong pagkakakulong dahil sa umano’y pananakit sa pulis ay nakalaya ang lady Grab driver na si Florence Norial matapos na magpiyansa ng P3,000 dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.

Kinumpirma ni Taguig City Chief of Police Col. Celso Rodriguez na nakapagpiyansa na kahapon si Norial dahil sa kasong unjust vexation na isinampa laban sa kanya ni P/Cpt. Captain Ronald Saquilayan.

Nauna ng sinampahan si Norial ng mga kasong alarm and scandal, direct assault, at disobedience of a person in authority matapos diumanong saktan nito si Saquilayan, chief investigator ng Pateros Police subalit ayon sa resolusyon ng Taguig Prosecutors Office ay walang makitang probable cause ang korte sa nasabing mga kaso kaya sinampahan na lang siya ng unjust vexation.

“The prosecutor did not charge alarm and scandal against Norial because she was acting against a particular person or complainant and “not against the public per se or public order.” Alarm and scandal complaints are applicable to “any disturbance or scandal in public places,” saad pa sa resolusyon.

Matatandaang nagkaroon ng pagtatalo na humantong sa pananakit ni Norial kay Saquilayan nitong Oktubre 6 matapos diumanong sabihan ng una ang pulis na iurong nito ang kanyang kotse dahil nakaharang ito sa daanan sa isang coffee shop. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.