Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady judge inambus ng tandem sa CamSur

0 118

Sugatan ang isang babaeng judge at aide nito makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem na mga suspek, Martes ng hapon sa Libmanan, Camarines Sur.

Ginagamot ngayon sa Libmanan District Hospital dahil sa tinamong sugat ang biktimang sina Jeaneth Gaminde San Joaquin, 46, Libmanan Regional Trial Court (RTC) Judge, taga-Barangay Tinago, Naga City at Rocelle Martinez, 34, aide ng biktima.

Sa inisyal na ulat ni Police Staff Sgt. Felix Cantara, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon nitong Martes sa kahabaan ng Barangay Puro Batia ng nabatid na bayan.

Lulan ng kotse ang judge na minamaneho ng kanyang aide pauwi na sana sa kanilang bahay mula sa trabaho nang sabayan sila ng motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad silang pinagbabaril.

Suwerteng hindi napuruhan ang judge at ang aide nito ngunit nagtamo ng sugat sa katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pamamaril ng mga suspek na mabilis ding tumakas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.