Abante Tonite Interactive

Lady Oragons nanalo din kahit wala si Soltones

271

Sobrang nami-miss daw ni coach Parley ­Tupaz ang presensya sa floor ni Grethcel Soltones na binagsakan ng suspensiyon sa Chooks to-Go Philippine Superliga Grand Prix.

“Mas nakakatulong siya sa ‘kin, sob­rang nabawasan,” ani coach ­Tupaz. “Sacrifice, ­walang magagawa.”

Binigyan ng one-year suspension si Soltones matapos labagin ang one-league policy ng PSL nang lumaro sa Premier Volley League All-Star Game, one-day charity event para sa HERO Foundation.

Mag-iisang buwan na mula nang mawala si Soltones sa Iriga City Oragons, isang buwan din bago nadagdagan ang panalo nila.

Angat sa 2-4 ang Lady Oragons matapos talunin sa straight sets ang Victoria Sports-UST, 25-19, 25-21, 25-20.

“Sa wakas nanalo din! Ang tagal!” bulalas ng coach.