Abante Tonite Interactive

Lady politician doble kara

By
419

editorial-08-19Mabait siya kapag kaharap­ ang mga cons­tituent sa isang lungsod sa Metro Manila, pero te­rror kapag nasa ibang lugar.

Ganito daw ang ugali ng isang babaeng politiko na gustong tumakbong vice-mayor ng kanilang lungsod sa darating na halalan.

Sobrang bait daw ng lady politician kapag kaharap ang mga botante sa kanyang lungsod, pero sa natisod na impormasyon ng Tonite, mataray daw ito at noong nakaraang linggo lamang ay sumabog sa isang government office nang awayin ang mga inosenteng empleyado.

Lumabas daw ang pagiging doble kara ng lady politician na gustong maging ikalawang pinakamataas na opisyal sa kanilang lungsod.

Hindi lang pala sa poster namemeke ng larawan ang politiko dahil pati na ang kanyang ugali ay peke rin kapag kaharap ang kanyang constituent.

Clue: Ang lady politician ay anak ng dating kongresista. May letrang S sa kanyang pangalan as in Salbahe.