Abante Tonite Interactive

Lady politician isinuka ng mga estudyante

By
563

Napurnada ang gimik ng isang politiko sa isang siyudad sa Visayas matapos siyang salubungin ng lightning rally sa harap ng isang pamantasan.

Nagpareserba pa mandin ng venue ang hitad para makausap ang mga mag-aaral doon bilang preparasyon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.

Ang siste, hindi pala ipinaalam sa mga estudyan­te na ang lady politician ang magiging guest ng aktibidad, as in surprise ito ng politiko sa mga mag-aaral.

Subalit ang lady politician ang nasorpresa dahil pagdating niya ng iskul ay sinalubong siya ng kilos-protesta, kaya’t nagdesisyon na lamang itong ikansela ang engagement doon.

Clue: Ang lady politician na umatras sa speaking engagement dahil sa lightning rally ay taga-Luzon. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahaba ang kanyang baba.