Abante Tonite Interactive

Lady politician, pahiya sa pa-survey

By
589

May ginawa daw survey itong lokal na opisyal tungkol sa dalawang perso­nalidad sa bansa na isang babae at isang lalake.

Ginawa daw ito ng politiko sa online upang agad na makuha ang pulso ng taumbayan.

Siyempre, bet ng lady politician ang lalaki sa kanyang ipina-survey.

Pero laking gulat ng hitad nang tambakan ang kanyang manok, kumbaga landslide ang nakuhang boto para sa babae.

Sa kahihiyan, ipinatanggal ng politiko ang survey sa pag-aakalang hindi na ito mababasa ng ibang tao.

Pero marami na ang nakabasa ang resulta ng survey, aba’y parang sinampal kasi ang politiko at hindi ang bet niya ang nanalo.

Clue: Ang lady politician na napahiya sa resulta ng survey ay kadikit ngayon ng administrasyon. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahaba ang kanyang baba.