Abante Tonite Interactive

Lady politician tirador ng kabaro

0 343

Magaling daw makisama itong babaeng politiko lalo na sa kanyang mga kabaro.

Kapag kaharap daw niya ang mga ito, aba’y laging abot sa tenga ang kanyang mga ngiti.

Pero ang hindi alam ng mga taong nakakasalamuha ng hitad, kapag nakatalikod na ang politiko ay kung ano-anong pintas ang lumalabas sa kanyang bibig.

Lalo na daw sa mga babaeng politiko, sinisiraan niya ang mga ito sa ibang tao.

Hindi pa raw alam ng kanyang mga kabaro ang ginawang paninira sa kanila ng patalikod.

Kapag nalaman nila ito, malamang na bibinggo ng ‘di oras ang babaeng politiko.

Clue: Ang politiko na hilig manira sa mga babaeng politician ay mula sa malayong lalawigan at may letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman.