Abante Tonite Interactive

Lady pusher dinakma sa Marikina drug bust

By
178

Kulungan ang bagsak ng isang babaeng ­tulak matapos madakma sa ikinasang buy-bust operations kamakalawa ng gabi sa Barangay Tumana, Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Gerry Anne Esmael, 26-anyos, resi­dente ng Bara­ngay Tumana, matapos malambat sa isinagawang drug buy-bust operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit na pinangungunahan ni P/Insp. Greco Gonzales bandang alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa Block 70-71, Ampalaya Creek, Barangay Tumana.

Ikinasa ang buy-bust matapos magpositibo ang mga awtoridad sa iligal na pagbebenta ng droga ng suspek matapos umaktong buyer ang isang pulis at makakuha ng iligal na droga kay Esmael na lantaran umano ang pagbebenta.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na pakete ng shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 o Illegal Drugs Act.