Abante Tonite Interactive

Lady reporter may maluhong lifestyle

1,716

Buhay reyna nga­yon ang isang dating reporter dahil halos nalibot na yata niya ang mundo.

Siyempre, dokumentado ang paglalakbay ng hitad dahil sa ipinagmamalaki niya ito sa mga follower niya sa Instagram at iba pang social media platform.

At hindi lang ‘yun, nangongolekta din siya ng mga mamahaling signature bag kaya’t magmumukha kang taga-Divisoria kapag nadikit sa babaeng ito.

Hindi na nagtataka ang mga taong nakakakilala sa kanya kung afford niya ang maluhong lifestyle.

Subalit napalitan ito ng question mark nang makaladkad ang kanyang mister sa maanomalyang pro­yekto sa gobyerno, ma­rami ang nagsasabing kaya nakakabili ng mamahaling gamit ay dahil sa raket ng mister.

Clue: Ang reporter ay dating nagtrabaho sa television network samantalang ang mister niya ay kilalang malakas sa gobyerno.