Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady rider pisak sa tanker truck, kapatid sugatan

0 57

Todas ang isang lady rider habang sugatan ang kanyang angkas na nakababatang kapatid nang mahagip ng 24-wheeler tanker truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Talipapa, Quezon City kamakalawa.

Dead on the spot si Mary Jane Reodique, 42, habang sugatan naman ang kapatid niyang si Cyra Jane, 17, estudyante at kapwa residente ng Caloocan City.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, and damage to property ang suspek na si Raymund Catapia, 34.

Batay sa imbestigasyon, alas-10:00 Linggo ng umaga nang maganap ang aksidente sa tapat ng isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, patungong Congressional Avenue.

Minamaneho ng suspek ang truck nang mahagip nito ang mga biktima, na nasa U-turn slot.

Dahil dito, nakaladkad ang motorsiklo at minalas na magulungan pa ng truck si Mary Jane at maipit sa mga gulong nito, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.