Abante Tonite Interactive

Lady solon allergic sa mga palaboy

199

Isang babaeng mambabatas umano ang may pakana ng isinagawang paghihigpit sa plenaryo ng Senado.

Nakarating sa impormasyon ng Tonite, naiirita daw ang senadora kapag nagkakagulo ang media sa pag-iinterview sa mga senador.

Nagmimistulang palengke daw ang session hall kapag pakalat-kalat ang mga mamamahayag na gustong makapag-interview sa mga senador.

Ang nakapagtataka nito, dating malapit ang lady solon sa media kung saan lagi itong nagpapaunlak ng panayam.

Ang trip ng mambabatas ay sinakyan naman daw ng ibang senador kaya’t naglabas ng memo hinggil sa mga dapat at hindi maaaring gawin sa session hall.

Clue: Ang lady solon na nagpasimuno ng paghihigpit sa session hall ay may letrang A sa kanyang pangalan as in Allergic siya sa pakalat-kalat na media.