Abante Tonite Interactive

Lady solon binully ng bansot na mambabatas

By
411

Sino daw itong miyembro ng Lower House ang kahit na sa kasamahan niyang­ mambabatas sa Kamara?

Sa pagdinig ng budget ng isang tanggapan ay masyadong high blood ang mambabatas kung saan naging personal ang mga hugot nito kahit isyu patungkol sa pondo ang pinag-uusapan.

Kung ano-anong hirit kasi ang gustong ipasak ng solon kahit wala nang kinalaman sa pinag-uusapan.

Dahil dito nakiusap ang lady solon na tumatayong vice chairman ng komite na kung pupuwede ay isangguni na lamang ng kanyang colleague sa kinauukulang House panel ang mga isyu na sinisingit nito.

Imbes na lumamig ang makintab, eheste mainit na ulo ng mambabatas, aba’y ang lady solon pa ang pinagbalingan ng galit, daig pa ang dumadaan sa menopausal stage.

Nabalot tuloy ng tensyon ang pagdinig dahil umeksena na ng todo ang high blood na congressman.

Clue: Kapag nagsalita ang naturang congressman akala mo ay malaking tao kahit hindi naman. May letrang T sa kanyang pangalan as in Tiyanak.