Abante Tonite Interactive

Lady solon dinoktor ang larawan sa website

533

Kung sisipatin mo ang larawan ng isang mambabatas sa website ng kanyang pinagtatrabahuan, ang laki ng diperensya sa aktuwal na hitsura niya ngayon.

Nabisto ng Tonite na ang larawang inilagay sa pala sa website ay kinunan may ilang dekada na ang nakaraan kaya’t mas mukhang bata siya kumpara sa kasalukuyan.

Ito rin umano ang larawang ginagamit sa campaign poster kaya’t marami ang napepeke sa tunay na hitsura ng mambabatas.

Nauso na rin kasi ang photoshop kaya’t napakinis at napaputi ang mukha ng lady solon, malayong-malayo sa aktuwal na hitsura.

Clue: Ang lady solon na may photoshoped na larawan sa website ay may asawang pogi. May letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit dahil kamukha daw niya ang ko­medyante.