Abante Tonite Interactive

Lady solon direktor ng mga cameraman

314

Muling ipinakita ng isang lady solon ang pagiging GGSS o galing na galing sa sarili nang ipagmalaki na kaya nitong gawin ang lahat ng uri ng trabaho.

Ito ay sa napipintong paglilipat bahay ng ating bida makaraang magtagumpay muli sa nakalipas na halalan.

Sa kanyang pagsagot sa tanong ng ilang mamamahayag hinggil sa posi-bleng bago niyang magi-ging tungkulin, iginiit ng mambabatas na kaya nitong hawakan anumang trabaho mula maliit hanggang sa pinakama-laking responsibilidad.

Bukod dito, ipinakitang muli ng mambabatas ang kanyang takot na makunan ng pangit na anggulo.

Katunayan natatawa ang ilang crew ng media teams nang lumapit pa ang ating bida sa kanila at pinagbilinan na ‘wag gagamitin ang mga shots na hindi maganda ang kanyang kuha.

Bago rin ito humarap mga media, tinawag nito ang kanyang staff at kinuha ang kanyang lipstick dahil hindi ito haharap sa camera nang walang kulay ang labi.

Clue: Ang ating bida ay mayroong letrang o sa kanyang pa-ngalan as in Over sa ganda. (Dang Samson-Garcia)