Abante Tonite Interactive

Lady solon hilig magpa-VIP

371
Naging pulutan ng ilang grupo ang isang lady solon dahil sa mistulang pagpapaimportante raw nito sa bawat aktibidad.
Ang kuwento, dahil alam ng ating bida na sadya siyang aantayin ng kanyang mga kasamahan ay halos lagi na lamang itong nagpapahintay.
May ilang beses na nilalaktawan muna ang aktibidad na dapat sana ay pa­ngungunahan na ng lady solon dahil wala pa ito sa activity area.
Sa sandaling bumalik na ang opisyal ay bibitinin ng kanyang mga kasama ang ginagawa at babalikan ang aktibidad na pangu­ngunahan nito.
Wala naman daw magawa ang kanyang mga kasamahan dahil sadyang napakahalaga ng gawain nito.
Clue: Ang ating bida ay mayroong let­rang O sa pangalan as in Oh My sa Ganda.