Abante Tonite Interactive

Lady solon hilig mambuska sa hearing

470

Sino raw itong senador na mahilig mambuska sa mga pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso?

Ayon sa info ng Tonite, ­nadidismaya umano ang ilang resource speaker sa mambabatas na ito dahil sa tuwing ­dumadalo sila sa pagdinig sa Senado puro ­sermon ang inaabot nila sa mambabatas.

Sa umpisa umano ay malumanay muna ang mambabatas at hinahayaang magsa­lita ang mga resource person sa pagdinig.

Maging ang mga kapwa ­mambabatas ay hinayaan din ­tanu­ngin ang mga bisita. Subalit hindi pa man nakakatapos ang ­senador sa kanilang pagtatanong, bigla na ang sisingit ang mam­babatas na ito.

Buti sana kung sandali lang siyang magsasalalita, eh ang kaso inaabot ng mga ilang minuto ang lawmaker na ito dahil tuloy-tuloy ang kanyang pagtalak sa mga opisyal ng ahensiya ng gobyerno na kanyang ginigisa.

Hindi tuloy mailahad ng mga resource person ang kanilang panig dahil hindi ­naman sila makasi­ngit sa mambabatas na ito na non-stop ang bibig sa pagsasalita. At kung hindi naman magustuhan ang kanilang sagot, lalo pang tataasan ng senator na ito ang kanyang boses.

Clue. Ang terror na lady solon na ito ay masungit din sa ­kanyang mga staff. May letrang M sa ­pangalan ng kanyang asawa as in Mayaman.