Abante Tonite Interactive

Lady solon iisa ang porma sa mga larawan

410

Madalas mag-post sa social media itong isang miyembro ng Lo­wer House.

Kalakip ng kanyang post ang mga larawan niya kasama ang mga nakakasalamuhang tao sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bawat larawan, iba’t ibang porma ng mga tao ang makikita katabi ang mambabatas.

Ang hindi lang nagbabago ay ang porma ng lady solon na palaging tipid ngumiti sa mga selfie.

Halos lahat ng kanyang larawan, hindi nakalabas ang ngipin gayung hindi naman bu­ngi.

Mukhang hindi daw pantay kasi ang ngi­pin ng hitad, as in sungki, kaya palagi itong nakatikom kapag nagpakuha ng litrato.

Clue: Ang lady solon na iisa lang ang porma sa mga larawan ay kilalang matapang at may letrang S sa kanyang pangalan, as in Smile.