Abante Tonite Interactive

Lady solon inaswang ng staff

By
801

Likas ang kagandahan ng isang miyembro ng Lower House kaya naman mara­ming kalalakihan ang naglalaway sa kanya.

Kahit ang ilang ka­baro niya sa Kamara, kursunada ang lady solon, ilan ay gusto lang tikman ang mambabatas para naman mapahaba ang kanilang resume.

Subalit ang pina­kamatindi dito, ayon sa info ng Tonite, pati na ang staff ng mambabatas ay dinis­kartihan din siya

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman regular na nagre-report sa trabaho ang staff dahil pinasusuweldo ito bilang consultant, pero kapag dinadalaw si madam, aba’y inaaswang lagi ang kanyang boss.
Sa inis ng mambabatas, sinibak ang staff na nag-aambisyon sa kanyang katawan.

Hindi naman daw dinamdam ng staff ang pagkakasibak sa kanya dahil nakabingwit din ito ng matabang isda, este mayamang politiko.

Clue: Ang lady solon na inaswang ng staff ay may mayaman na asawa. May letrang A sa kanyang pangalan as in ‘Alindog niya’y pinaglalawayan ng marami’.