Abante Tonite Interactive

Lady solon inggitera

313

Lumabas ang tunay na kulay ng isang mambabatas matapos masapawan ang kanyang impluwensiya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang lady solon ay kilalang malakas sa Pangulo kaya’t maraming politiko ang umaasam na ma­ging kadikit din nila ang Chief Executive tulad ng mambabatas.

Pero nabisto ng Tonite na minsang bumisita ito sa Palasyo, laking gulat ng mambabatas na isang ­lokal na opisyal ang sobrang dikit sa Pangulo.

Aba’y nainggit umano ang lady solon sa sweetness ng Presidente sa local official, kulang na lang ay langgamin sila sa Palasyo.

Eh paano naman kasi, mukhang hindi na siya hinihimas eheste inaalagaan ng kanyang mister na busy sa pagbibilang ng pera.

Clue: Ang lady solon na nainggit sa kalambingan ng Pangulo sa isang lokal na opisyal ay may mataas na ambisyon sa politika. Kung siya ay senador o congressman, hulaan nyo sa letrang C dahil kamukha niya ang pangit na Comedian.