Abante Tonite Interactive

Lady solon kumasa sa beer challenge

HULAAN BLUES

297

Game na game ang isang lady solon sa ‘beer challenge’ sa kanya sa gitna ng mga alegasyon na lasengga ito.

Gayunman, ang beer na ating sinasabi ay hindi ang inumin na nakalalasing bagkus ang awitin ng Itchyworms.

Napilitan kasing magpatikim ng kanyang awitin ang ating bida sa gitna ng kasiyahan sa party para sa mga mamamahayag.

Subalit bago simulan ang kanta, nagpasaring pa si Ms. Lawmaker na ang kanyang kanta ay para sa mga naniniwalang siya ay lasengga.

Hindi naman maikakailang maganda ang boses ni Lady Solon pero halatang nahihiya ito lalo nang hanggang unang chorus lamang ang kinanta at agad nang tinapos ang performance.

Clue: Ang ating bida ay may letrang G sa kanyang pangalan as in todo sa Galang. (Dang ­Samson-Garcia)