Abante Tonite Interactive

Lady solon lutang ang utak sa sesyon

858

Kahit pumasok sa sesyon ang isang babaeng mambabatas, mistulang hindi naman ramdam ang kanyang presensiya.

E paano naman kasi, lutang ang utak ng lady solon at tila may ibang iniisip kaya hindi makapag-concentrate sa trabaho.

Kaya nang magpatawag ng botohan sa isang reso­lusyon, napabilang siya sa hanay ng pumapabor.

Nagtaka tuloy ang iba niyang kasamahan kaya kinausap ito para baguhin ang kanyang boto.

Paliwanag ng lady solon sa plenaryo, hindi niya alam na nagkakaroon na pala ng botohan kaya binago niya ang nalistang boto niya sa resolusyon.

Clue: Ang lady solon na lutang ang utak sa sesy­on ay hindi nagbabago ang hairdo at may letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman.