Abante Tonite Interactive

Lady solon matakaw sa media coverage

By
208

Kapansin-pansin na tinitiyak ng isang lady solon na mapapansin ng mga mamamahayag ang kanyang mga pagdinig, maliit man ito o malaki.

Ito ay dahil ang bawat pagdinig nito ay kinakailangang naka-live sa monitor sa press room at sa silid ng mga kasama nito.

Sa kalakaran kasi sa Kapulungang ito, kinakailangang magpa-reserba sa Information Office nila ang anumang hearing para sa live feed sa mga monitor sa bawat opisina kasama sa Press Room.

Ika nga first come, first serve!

May isang araw na halos sabay-sabay ang pagdinig ng iba’t ibang komite sa Kapulungan kung saan maging ang komite ng ating bida ay umaga at hapon ang hearing.

Ang unang pagdinig ng komite ni lady solon ay naka-live feed kahit mas malaki ang hearing ng ibang komite kaya’t ang ibang mamamahayag ay nagbabad na lamang sa ibang hearing room.

Nang matapos ang naunang hearing ng ating bida, inilipat pansamantala ang live feed sa ibang hearing kaya’t naging maluwag sa mga mamahayag ang monitoring.

Subalit, hindi pa nagtatagal ay muli nang ipinabalik ni lady solon sa kanyang hearing ang monitor kahit hindi pa ito nagsisimula.

Ang siste, tumagal ng mahigit isang oras na ang tanging nakikita sa monitor ay ang kuwarto kung nasaan nananatili ang ibang resource person at ang bakante pang upuan ng lady solon.

Ang ating bida ay may letrang O sa kanyang pangalan as in Okray ang ibang pagdinig sa kanya.