Abante Tonite Interactive

Lady solon may Chocolate Award

806

Nakakabilib sa ka­kuriputan itong isang mambabatas dahil sa ipinamigay na token sa mga outstanding teacher noong World Teacher’s Day.

Akalain niyo ba mga utaw na namudmod itong si mambabatas ng tig-isang chocolate sa mga guro bilang pagkilala sa kanilang sakripis­yo at dedikasyon sa paghubog sa mga kabataan.
Ang Chocolate mga utaw ay medium­-sized at kor­teng triangle ang mag­kabilang dulo na madalas ipamigay ng mga galing sa ibang bansa.

Natatawa na lamang ang mga guro na nakatanggap nito dahil sa pagiging ‘thoughtful’ ng mambabatas sa kanila.

Bale ba mga utaw, kada isang eskuwela­han sa kanyang bayan ay tatlong guro lang ang outstandin­g teachers na pinarangalan kaya tat­long pirasong chocolate ang ipinamigay nito.

Puna tuloy ng mga miron, mukhang may pagka-boksingera itong mambabatas at tala­gang malaki ang nati­pid para sa mga guro, malayong-malayo sa mala-reyna niyang pa­ngalan.

Oo nga naman, mas mura ang chocolate kaysa mamigay ng token na Parker pen na magagamit naman sana ng mga guro sa paggawa ng kanilang lesson plan.

Biro ng mga miron gusto nilang sabitan ng medalya ang staff ng mambabatas na nakaisip ng ideya sa ipinamigay na token.

Ang lady solon na imbes pasalamatan ay gustong regaluhan din ng mas malaki at mamahaling chocolate ng mga naasar na kababayan ay asawa ng traditional politician at yes, kabilang sa mga tinatawag na produkto ng ‘political dynasty’.

Ang lady solon ay may letrang “E” sa kanyang pangalan at apelyido as in tsokolate eh!