Abante Tonite Interactive

Lady solon nagtatalak sa helicopter

843

Wala raw pinipiling oras at lugar ang isang babaeng mambabatas kapag mainit ang kanyang ulo.

Kahit daw nasa himpapawid ito sakay ng helicopter, hindi ito tumitigil sa panenermon sa kanyang staff.

Sa bawat report kasi ng kanyang staff, binubutasan niya ito as in hindi kuntento sa kanilang trabaho.

Ang masaklap nito, nadamay din ang mga piloto sa init ng ulo ng mambabatas.
Pakiramdam kasi niya, mabagal ang lipad ng helicopter kaya hindi agad sila makarating sa destinasyon.

Sa inis ng mga piloto, binago nila ang ruta kaya lalong nagtatalak ang lady solon.

Clue: Ang mambabatas na nagtatalak sa helicopter ay kilalang matapobre at kamukha ng namayapang komed­yante.