Abante Tonite Interactive

Lady solon nanduro ng sikyo dahil sa kendi

378

Matinding kahihiyan daw ang naramdaman ng mga gwardya ng isang mall mula sa isang mambabatas dahil lamang sa balat ng kendi.

Sa kwento sa atin, nag­lalakad daw ang ating bida sa isang parking ng mall nang makita nito ang balat ng kendi.

Dahil sa likas na mapagmahal sa kalikasan ang solon, dinampot nito ang balat subalit nagulat ang mga gwardya sa sunod nitong ginawa.

Ang akala kasi ng mga gwardya ay simple lamang nitong itatapon o ipatatapon sa kanila ang balat ng kendi.

Subalit laking gulat daw nila nang lumapit sa kanila ang ating bida at ilang beses silang dinuro-duro kasabay ng pagsasabing “hindi n’yo ba nakikita ito?”

Kasabay daw nito ang mistulang pagduduldol sa kanila ng balat ng kendi.

Hinangaan na raw sana ng mga gwardya ang lady solon sa kalinisan nito sa kapaligiran subalit biglang nabura ito dahil kung anong sama ng hilatsa ng mukha ng mam­babatas ay tagos pala sa pag-uugali nito.

Clue: Mataas ang ambisyon ng ating bida na mayroong letrang C sa kanyang pangalan as in masarap na Candy na orange ang flavor.