Abante Tonite Interactive

Lady solon pabebe sa hearing

484

Sino daw itong mambabatas ang nagpa-cute lamang sa isang public hearing na kanyang dinaluhan?

Palibhasay walang laman ang utak, tumambay lang daw ang lady solon upang makunan ng litrato at bidyo.

Alam kasi niyang maraming nakatambay na cameraman at photographer kaya’t naisipang dumalo sa public hearing.

Kaya pag-upo ng mambabatas, sangkatutak na porma ang ginawa ng hitad, tinalo pa ang modelo ng kotse sa pormahan.

Hindi pa siya nagkasya doon dahil sa gumawa pa ito ng eksena nang hawakan ang cellphone na tila kinukuhanan ng larawan o video ang mga resource person.

Clue. Ang lady solon na nagpabebe lamang sa public hearing ay kilalang mayaman pero makunat. May letrang M sa kanyang pangalan.