Abante Tonite Interactive

Lady solon palaging ‘high blood’

By
304

Muli na namang nagtaas ng boses ang isang mambabatas nang pangunahan ang public hearing sa pinamumunuang komite.

Nabisto ng Tonite, nagdaos ng public hea­ring ang lady solon nitong nagdaang araw at tulad ng dati, pinagalitan na naman ang mga dumalong resource person.

Hilig ng mambabatas na manabon ng mga taong ipinapatawag sa hearing, as in laging ‘high blood’ ang peg nito.

Milagro lang daw kapag hindi nanigaw ang mambabatas sa mga ipinapatawag nitong public hearing.

Ang classic nito, hindi lang pala sa mga public hearing mukhang Sabado de Gloria ang mambabatas dahil kahit na sa loob ng kanyang opisina ay bitbit pa rin ang ganitong ugali.

Clue: Ang lady solon na laging high blood sa public hearing ay kila­lang mayaman. Kung ito ay congresswomen o senadora, hulaan nyo sa letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit dahil kamukha daw niya ang komedyante.