Abante Tonite Interactive

Lady solon pang-eleksyon na ang porma

By
348

Sino itong kongresista na panay na ang porma at pabida para maging mabango na ang datingan sa 2019 elections?

Nalaman ng Tonite, panay daw kasi ang diga ng naturang mambabatas na taga-Mindanao para aprubahan na ang kanyang pet bill.

Mabuti naman ang adhikain ng panukala dahil itinataguyod nito ang kapa­kanan at karapatan ng mga kababayan.

Pero ang sablay ay may hidden agenda pala ang kongresista sa isinusulong niyang panukala.

Dahil kapag naaprobahan ang panukala ay ito ang gagamitin ng solon sa pangangampanya sa kanyang distrito.

Feeling maganda itong lady solon na nagpapanggap na kampeon ng mga abang sektor ng lipunan.

Clue: May letrang N sa kanyang pangalan as in Nanloloko ng botante.