Abante Tonite Interactive

Lady solon panis sa group picture

By
484

Bagama’t napakataas ng kanyang awareness rate, marami rin pala ang hindi nakakakilala sa isang mambabatas.

Nangyari ito sa lady solon nang bigyan siya ng award ng isang embahada sa bansa dahil sa mga adbokasya nito.
Naglabas pa ng larawan ang embahada kasama ang iba pang awardee.

Natuklasan ng TONITE na marami ang nagtanong kung sino raw ang babaeng nakatayo at kung ano ang trabaho at posisyon nito sa gobyerno, eh paano ba naman kasi ay parang ekstra lang sa pelikula ang porma ng mambabatas.

Nawindang daw ang iba sa tanong tungkol sa lady solon, kaya binago ang photo release at sinamahan ng caption tungkol sa designation ng mga awardee, kabilang na ang mambabatas.

Clue: Ang lady solon na hindi nakilala sa larawan ay kilalang mayaman at may letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit dahil kamukha raw nito ang komedyante.