Abante Tonite Interactive

Lady solon pasaway sa group picture

377

Muntik na raw maitsapuwera sa group picture ang isang babaeng mambabatas dahil sa pinuwesto ito sa gilid.

Eh paano ba naman kasi, siya lamang ang bukod tanging kakaiba ang kasuotan.
Ang mga kasamahan niya kasi, nakasuot ng kulay puting Filipiniana pero itong ating bida ay parang pupunta sa lamay.

Nakasuot kasi ng itim na blusa ang lady solon kaya’t awkward naman kung ilalagay siya sa gitna dahil lalabas na siya ang bida sa group picture.
Kaya ang naging solusyon ay ginilid ang lady solon para hindi masyadong mahalata ang kakaiba niyang kasuotan. Sa sobrang pagkagilid naman niya ay muntik na siyang mawala sa larawan.

Clue. Ang lady solon na pasaway sa group picture ay palaging nakangiti kahit walang nagpapatawa. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman siya.